
Sa Lawton
Ako nag-aabang,
naghihintay
ng bus pauwi
Dito sa Liwasan
kung saan mo ako
hinahatid dati
Kung saan
sing-laki
ng bus ng Saulog,
At sing-liwanag
ng araw
ang mga pangarap
natin
Ngayon, dito pa rin
sa Plaza
naghihintay, nag-aabang,
nangangarap kahit wala ka na
At uuwi na akong mag-isa.
Sa Lawton
kung saan
ang bawat patak ng ulan
ay sing-dami
ng mga pangakong iniwan mo.
No comments:
Post a Comment