Thursday, March 19, 2009

pain reliever

tinatanggal mo daw ang sakit
sa loob lamang ng "15 minutes"
kung sana lahat na lang ng karamdaman
ay kaya mong gamutin

hindi lang sakit sa ulo, ngipin, at katawan
ang kaya mong tanggalin
pati na rin sakit sa pusong nawalan
pero patuloy na umaasang
mabuo ulit.

daydreamer

i should be heading home by now

instead of sitting here with you over bottles of beer

at this ungodly hour,

talking about random things

and what might have beens

of the past that have long been forgotten

of innocence that were lost

and friendships that were found again.

My books, unopened, unread, now beckon,

Dragging me back to reality.

Lawton



Sa Lawton
Ako nag-aabang,
naghihintay
ng bus pauwi

Dito sa Liwasan
kung saan mo ako
hinahatid dati

Kung saan
sing-laki
ng bus ng Saulog,

At sing-liwanag
ng araw
ang mga pangarap
natin

Ngayon, dito pa rin
sa Plaza
naghihintay, nag-aabang,
nangangarap kahit wala ka na

At uuwi na akong mag-isa.


Sa Lawton
kung saan
ang bawat patak ng ulan
ay sing-dami
ng mga pangakong iniwan mo.